Tuesday, July 6, 2010

Mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag

ARALIN 2: Mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag

Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na kahulugan, magkakaiba naman ang tindi ng ipinahahayag nito. Magkaiba ng digri o tindi ng nais iparating nito, lalo na kapag ginamit na sa pangungusap.

Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka lamang.

Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan na magkaiba naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila.

Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol

2. Pansinin ang salitang hinango sa texto na may pagkakatulad sa kahulugan, ngunit nagkakaiba sa tindi o digri ng pagpapahayag.

Ganito ang magiging ayos kung iaantas ito.

a. pagkawala → pagkaubos → pagkasaid
b. nasira → nawasak

Pagsasanay:
1. Makatutulong kaya ang paggamit ng mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag upang lubusang mahikayat ang isang tao sa isang argumento? Ipaliwanag.

2. ilagay sa mga baitang o antas ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag.
a. galit, inis, poot suklam
b. hinagpis, lungkot, lumbay, pighati, dalamhati

3. Iranggo ang mga sumusunod na parirala o sugnay ayon sa tindi ng ipinahahayag.

Halimbawa:
Pagpapatindi ng salitang “gutom”
a. Kumakalam ang sikmura
b. Hayuk na kayok
c. Nagugutom

Sagot: c → a → b

3.1 Pagpapatindi ng salitang “masaya”
a. Lumulutang sa alapaap
b. naiiyak sa tuwa
c. nag-uumapaw ang puso sa galak
d. walang pagsidlan ang puso sa tuwa
e. maaari nang mamatay dahil sa kaligayahan

sagot: ? → ? → ? → ? →?

3.2 Pagpapatindi ng salitang “mahal”
a. gusto kita
b. crush kita
c. type kita
d. sinasamba kita
e. mahal kita

31 comments:

  1. paano po aayusin ang natatakot, natutulala, nangangatal, ninenerbiyos at nanginginig?

    ReplyDelete
    Replies
    1. natatakot, ninerbiyos, nanginginig, nangangatal, natutulala

      Delete
  2. paano po ayusin ang pag-api,pagkadugahi,pa-alimura,paghamak,pag-alipusta,pakutya

    ReplyDelete
  3. ano po ang susunod sa TUKLAS? PAGSASANAY?

    ReplyDelete
  4. paano po ayusin ang galos,saksak,daplis at hiwa?

    ReplyDelete
  5. Paano po ayusin ang pag-ibig, pagsinta, pagmamahal, at pag-irog?

    ReplyDelete
  6. example naman po ng klino tungkol sa mga bagay

    ReplyDelete
    Replies
    1. 5 examples po pala yan tungkol sa mga bagay

      Delete
  7. ask lang po,5 examples ng klino bout sa kilos...ty

    ReplyDelete
  8. Paano po aayusin ang pagkamuhi-pagkasuklam-pagkagalit?

    ReplyDelete
  9. Paano po aayusin ang (nasisiyahan-natutuwa-masaya)...(pangamba-kaba-takot)...suklam-yamot-inis)...(sigaw-bulong-hiyaw)

    ReplyDelete
  10. Paano po aayusin ang galit.poot.in is.asar?

    ReplyDelete
  11. Magbigay pa po kayo ng 5 halimbawa...

    ReplyDelete
  12. Ano pong sagot sa 3.1 and sa 2?

    ReplyDelete
  13. Paano po aayusin ang (nasisiyahan-natutuwa-masaya)...(pangamba-kaba-takot)...suklam-yamot-inis)...(sigaw-bulong-hiyaw)

    ReplyDelete
  14. paano po ayusin pag-ibig, pagsinta, pagmamahal, pag-irog

    ReplyDelete
  15. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  16. Paanu po ba ang kagalakan, katuwaan,kaluwalhatian,kaligayahan,kasiyahan

    ReplyDelete
  17. anu-ano po ang mga halimbawa ng pagpapasidhi ng damdamin?

    ReplyDelete
  18. ano po ang arrangement nito? Lungkot, Lumbay, Dalamhati, Pighati, Pagdudusa/Pagdurusa

    ReplyDelete
  19. paano ko po isaayos ang: kagalakan katuwaan kaluwalhatian kaligayahan kasiyahan
    at : lungkot lumbay dalamhati pighati pagdurusa
    please po tulungan niyo po ako sa homework ko..

    ReplyDelete
  20. Ano po ang tamang sunod sunod ng kinupkop,inalagaan,tinangkilik,kinalinga?

    ReplyDelete
  21. paano po ayusin ang paghanga,pagkagusto,pamamahal at pagsamba

    ReplyDelete
  22. paano po ayusin ang kagunggungan,kahangalan,kabaliwan,kalokohan?

    ReplyDelete
  23. at pati po ito...kinupkop,inaalagaan,tinangkilik,kinalinga?

    ReplyDelete
  24. pwede po lagyan niyo po ng meaning kada word example:galit-tumatagal na inis

    ReplyDelete
  25. paano po aayusin ang busabos, mahirap, yagit

    ReplyDelete
  26. eto pa po. paano maayos ito? madatung, mayaman, mapera

    ReplyDelete