Gamit ng Panandang Diskurso
Ang mga panadang diskurso ay nagpapakita ng pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng texto.
Tatlo ang uri ng tungkuling ginagampanan ng panandang diskurso:
1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o Gawain. Ang mga panandang ito ay pagkatapos, sakanang sumunod na araw, sa dakong huli, at iba pa.
Halimbawa:
Kaugnay nito, bawat pamahalaan ay naglalaan ng salapi, panahon, at pagkilos nang sa dakong huli ay magkaroon ang lahat ng pagkakataong marating ang isang mataas na uri ng edukasyon.
2. Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskuros. Ang panandang ito ay mauuri sa mga sumusunod:
a. pagbabagong-lahad (sa ibang salita, sa madaling sabi, sa ibang pagpapahayag, kung iisipin)
Halimbawa:
Sa madaling sabi, mapalad ang mga bansang maunlad na sapagkat napagkalooban nito ng lahat ng pangangailangan ang bawat mag-aaral tulad ng makabagong kagamitan sa pagtuturo.
b. pagtitiyak (katulad ng, tulad ng sumusunod, sa kanila)
Halimbawa:
Ang Japan ay katulad ng iba pang mauunlad na bansa sa daigdig na gumagamit ng teknolohiya sa impormasyon para sa pagpapabuti ng edukasyon.
c. paghahalimbawa (halimbawa, nailarawan ito sa pamamagitan ng, isang magandang halimbawa nito ay)
Halimbawa:
Isang magandang halimbawa nito ay ang pagsisikap ng mga guro at maging ng mga mag-aaral na makatugon sa nasabing kurikulum.
d. paglalahat (bilang paglalahat, bilang pagtatapos, sa madaling salita, anupa’t)
Halimbawa:
Bilang paglalahat, iniaakma ngayon ng China sa pagbabago at pangkabuhayang pag-unlad ang sistema ng edukasyon.
e. pagbibigay-pokus (Bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa, magsisimula ako sa)
Halimbawa:
Samantala, nanatili sa bernakular ang mga tungkol sa pagtuturo sa mababang paaralan.
f. pagkakasunud- sunod ng pangyayari (una, sunod, bilang pagtatapos)
3. Mga panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda. Ang mga panandang ito ay sa aking palagay, kung ako ang tatanungin, subalit, kaya lamang, kung, bagaman, at iba pa.
Halimbawa:
Kung may sapat at maayos na pasilidad ang isang bansa, matagumpay nitong maisusulong ang pagtaas ng antas ng karunungan ng bawat mamamayan.
PANUTO: Hanapin sa mga sumusunod ang angkop na panandang diskurso upang nabuo ang kaisipan na ipinahahayag ng pangungusap
Tungkol sa
kung
Bilang paglalahat
Pagkatapos
katulad ng
1. _______________, patuloy na ang pagsulong ng mataas na antas ng edukasyon sa Asya.
2. Magiging maayos ang sistema ng edukasyon _______________ palaging sinasanay ang mga guro sa makabagong kaalaman.
3. _______________ na maiangkop ng mga bansang Asyano ang makabagong teknolohiya, tiyak na maibibilang na rin sila sa mga idustriyalisadong bansa.
4. Ang Japan ay _______________ United states sa pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiya.
5. Ang bagong kurikulum ay _______________ lalo pang pagpapataas ng antas ng karunungan.
Monday, July 12, 2010
Sunday, July 11, 2010
ARALIN 3: Kohesyong Gramatikal – Anapora, Katapora
Kohesyong Gramatikal – Anapora, Katapora
Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay.
Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang texto o pahayag.
Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng siya, niya, kanila, at iba pa. Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.
1. Pagpapatungkol na Anapora
Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan.
Halimbawa:
a. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil sila’y totoong nagagandahan dito.
b. Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.
2. Pagpapatungkol na Katapora
Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag.
Halimbawa:
a. Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.
b. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito niya itong pasyalan.
Pagsasanay:
Ang mga sumusunod ay katulad na pahayag mula sa textong binasa.
Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol sa anapora ang panghalip na may salungguhit at PK kung pagpapatungkol sa katapora ang ginamit na panghalip na may salungguhit sa pahayag.
_____1. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.
_____2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas.
_____3. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa, bumagsak daw ang turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina raw siyang pangulo.
_____4. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung paano muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.
_____5. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Arroyo
Panuto: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay anapora o katapora.
_______________1. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon.
_______________2. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya sa mga nangangailangan at kapuspalad.
_______________3. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa American Red Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.
_______________ 4. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas.Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A. Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula.
_______________ 5. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay taglay niya hanggang kamatayan.

Tuesday, July 6, 2010
Mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag
ARALIN 2: Mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag
Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na kahulugan, magkakaiba naman ang tindi ng ipinahahayag nito. Magkaiba ng digri o tindi ng nais iparating nito, lalo na kapag ginamit na sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka lamang.
Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan na magkaiba naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila.
Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol
2. Pansinin ang salitang hinango sa texto na may pagkakatulad sa kahulugan, ngunit nagkakaiba sa tindi o digri ng pagpapahayag.
Ganito ang magiging ayos kung iaantas ito.
a. pagkawala → pagkaubos → pagkasaid
b. nasira → nawasak
Pagsasanay:
1. Makatutulong kaya ang paggamit ng mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag upang lubusang mahikayat ang isang tao sa isang argumento? Ipaliwanag.
2. ilagay sa mga baitang o antas ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag.
a. galit, inis, poot suklam
b. hinagpis, lungkot, lumbay, pighati, dalamhati
3. Iranggo ang mga sumusunod na parirala o sugnay ayon sa tindi ng ipinahahayag.
Halimbawa:
Pagpapatindi ng salitang “gutom”
a. Kumakalam ang sikmura
b. Hayuk na kayok
c. Nagugutom
Sagot: c → a → b
3.1 Pagpapatindi ng salitang “masaya”
a. Lumulutang sa alapaap
b. naiiyak sa tuwa
c. nag-uumapaw ang puso sa galak
d. walang pagsidlan ang puso sa tuwa
e. maaari nang mamatay dahil sa kaligayahan
sagot: ? → ? → ? → ? →?
3.2 Pagpapatindi ng salitang “mahal”
a. gusto kita
b. crush kita
c. type kita
d. sinasamba kita
e. mahal kita

Monday, July 5, 2010
ARALIN 2: Sanhi at Epekto ng Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
ARALIN 2: Sanhi at Epekto ng Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
Sa Mataas na Paaralang Nasyonal ng Cainta, Habang ang mga mag-aaral ay naghihintay sa kanilang guro…
Arnel: Mga Kaklase, Handa na ba kayong mag-ulat ngayon?
Jonathan: Aba, oo. Napakaganda nga ng ating paksa ngayon.
Arnel: O, hayan na si Ma’am huwag na kayong maingay, ssshhh…
Bb. Maliksi: Magandang hapon sa inyong lahat! Handan a ba kayo sa ating aralin ngayon?
Mga Mag-aaral: Handang-handa na po!
Bb. Maliksi: O sige, ang ating paksa ngayon ay ang Heograpiya ng Asya. Narito ang isang mapa. Carlos, pumunta ka rito sa harapan at ituro mo ang Asya. Sabihin ang mga nakapaligid na bansa, sa gawing hilaga, timog, kanluran at silangan. Magaling! Ano ngayon ang masasabi mo sa Asya, Alma? (Pupunta sa harapan ang mag-aaral at susundin ang sinabi ng guro.)
Alma: Ma’am, napakalawak po ng kalupaan sa Asya. Bukod pa rito, ayon sa nabasa ko, napakalaki rin ng populasyon nito.
Bb. Maliksi: Oo tama ka. Pero alam ba ninyo na ang Asya ay hindi ligtas sa suliraning pangkapaligiran? Iyan ang pag-uusapan natin ngayon. Kahapon nagkaroon kayo ng brainstorming session at pinag-usapan ninyo ang mga sanhi at epekto ng suliraning pangkapaligiran sa Asya. Ngayon naman ay gusto kong marinig ang inyong pag-uulat tungkol sa resulta ng talakayan sa inyong pangkat. Handa na ba kayo?
Mga Mag-aaral: Opo!
Bb. Maliksi: O sige, pakinggan natin ang unang pangkat.
Mag-uulat ng Unang Pangkat: Natuklasan po namin na isa po sa mga sanhi ng suliraning pangkapaligiran sa Asya ay ang pagpuputol ng mga puno. Kung hindi po ito mahihinto, tuluyan ng makakalbo ang ating kabundukan. Mawawala rin ang mga endangered na hayop at halaman. Wala na ring mga ugat na pipigil sa erosyon ng lupa. Dadalas ang pagbaha’t masisira ang mga ari-arian ng mga tao. Mamamatay ang mga halaman, hayop, at mga tao. Sanhi nito, marami ang maghihirap.
Bb. Maliksi: Very Good! Talagang mahuhusay kayo. Tingnan natin ang ikalawang pangkat.
Mag-uulat ng Ikalawang Pangkat: Ma’am, isa pa po sa mga sanhi ng suliraning pangkapaligiran ay ang polusyon sa hangin. Kung hindi masasawata ang pagbubuga ng maruming usok ng mga sasakyan at pabrika, mabubutas po ang ozone layer at masisira ang balanse ng atmospera. Marami ang magkakasakit sa balat at sa baga. Mabaho na rin ang paligid dahil sa basura. Masangsang na rin ang mga estero. Nakasusuka ang amoy ng mga nabubulok na basura.
Bb. Maliksi: Oo nga, hindi ba iyan talaga ang nararanasan natin ngayon lalo na sa kamaynilaan.
Mag-uulat ng Ikatlong Pangkat: Ma’am bigyang pansin din natin ang mga anyong tubig. Ang mga karagatan, ilog at lawa ay napakarumi na dahil sa mga basura at kemikal na itinatapon dito, kaya nangamamatay ang yamang tubig. Narinig na ba ninyo ang madalas na pagkakaroon ng red tide? Sanhi iyan ng polusyon.
Bb. Maliksi: Ano bang uri ito ng polusyon?
Mag-aaral: Polusyon po sa tubig.
Bb. Maliksi: Oo, tama. Masakit isipin na tao rin ang sumisira ng kapaligiran. Ano naman ang maidaragdag ng ikaapat at ikalimang pangkat? Tingnan natin.
Mag-uulat ng Ikaapat na Pangkat: Ma’am ang sa amin po ay mungkahi. Siguro talagang dapat itong bigyan ng pansin ng mga pinuno ng mga bansang sangkot at lalong higit ng bawat isang mamamayan.
Mag-uulat ng Ikalimang Pangkat: Talagang dapat nilang tutukan ang problemang iyan! At alam ba ninyo, kung hindi sila kikilos ay baka dumating ang araw na magsuot ng gas mask ang lahat ng tao.
Wala nang makapaliligo sa mga ilog. At dahil sa sobrang init, wala nang mabubuhay na mga puno. Bilang wakas ng aming ulat, pakinggan natin ang awit na “Masdan Mo ang Kapaligiran” ng grupong Asin.
Masdan Mo ang Kapaligiran
I
Wala ka bang napapansin
Sa iyong kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin.
II
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul ngayo’y kulay itim.
III
Ang dumi nating ikinalat sa hangin
Sa langit huwag nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hangin sa langit ating matitikman.
KORO
Mayroon lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap nalang tayo magkantahan.
IV
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan?
V
Bakit di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unglad
Kung hindi nasisira ang kalikasan
VI
Darating ang panahon
Mga ibong gala ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo’y namamatay dahil sa ating kalokohan
VII
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit na noong ika’y wala pa
Ingatan natin at huwag sirain pa
Pagkat pag Kanyang binawi tayo’y mawawalan pa.

Ilang Mag-aaral: Naku! Paano na ang magiging mga anak natin?
Bb. Maliksi: Talagang nakatatakot dahil kapag ang kalikasan ang gumanti, tiyak na talo ang tao. Maging ang pinakamodernong makinarya ay hindi kayang hadlangan ang bangis ng kalikasan.
kaya nga, ano ang dapat gawi ninyong mga kabataan? Mag-isip kayo bago mahuli ang lahat.
Subscribe to:
Posts (Atom)