Gamit ng Panandang Diskurso
Ang mga panadang diskurso ay nagpapakita ng pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng texto.
Tatlo ang uri ng tungkuling ginagampanan ng panandang diskurso:
1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o Gawain. Ang mga panandang ito ay pagkatapos, sakanang sumunod na araw, sa dakong huli, at iba pa.
Halimbawa:
Kaugnay nito, bawat pamahalaan ay naglalaan ng salapi, panahon, at pagkilos nang sa dakong huli ay magkaroon ang lahat ng pagkakataong marating ang isang mataas na uri ng edukasyon.
2. Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskuros. Ang panandang ito ay mauuri sa mga sumusunod:
a. pagbabagong-lahad (sa ibang salita, sa madaling sabi, sa ibang pagpapahayag, kung iisipin)
Halimbawa:
Sa madaling sabi, mapalad ang mga bansang maunlad na sapagkat napagkalooban nito ng lahat ng pangangailangan ang bawat mag-aaral tulad ng makabagong kagamitan sa pagtuturo.
b. pagtitiyak (katulad ng, tulad ng sumusunod, sa kanila)
Halimbawa:
Ang Japan ay katulad ng iba pang mauunlad na bansa sa daigdig na gumagamit ng teknolohiya sa impormasyon para sa pagpapabuti ng edukasyon.
c. paghahalimbawa (halimbawa, nailarawan ito sa pamamagitan ng, isang magandang halimbawa nito ay)
Halimbawa:
Isang magandang halimbawa nito ay ang pagsisikap ng mga guro at maging ng mga mag-aaral na makatugon sa nasabing kurikulum.
d. paglalahat (bilang paglalahat, bilang pagtatapos, sa madaling salita, anupa’t)
Halimbawa:
Bilang paglalahat, iniaakma ngayon ng China sa pagbabago at pangkabuhayang pag-unlad ang sistema ng edukasyon.
e. pagbibigay-pokus (Bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa, magsisimula ako sa)
Halimbawa:
Samantala, nanatili sa bernakular ang mga tungkol sa pagtuturo sa mababang paaralan.
f. pagkakasunud- sunod ng pangyayari (una, sunod, bilang pagtatapos)
3. Mga panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda. Ang mga panandang ito ay sa aking palagay, kung ako ang tatanungin, subalit, kaya lamang, kung, bagaman, at iba pa.
Halimbawa:
Kung may sapat at maayos na pasilidad ang isang bansa, matagumpay nitong maisusulong ang pagtaas ng antas ng karunungan ng bawat mamamayan.
PANUTO: Hanapin sa mga sumusunod ang angkop na panandang diskurso upang nabuo ang kaisipan na ipinahahayag ng pangungusap
Tungkol sa
kung
Bilang paglalahat
Pagkatapos
katulad ng
1. _______________, patuloy na ang pagsulong ng mataas na antas ng edukasyon sa Asya.
2. Magiging maayos ang sistema ng edukasyon _______________ palaging sinasanay ang mga guro sa makabagong kaalaman.
3. _______________ na maiangkop ng mga bansang Asyano ang makabagong teknolohiya, tiyak na maibibilang na rin sila sa mga idustriyalisadong bansa.
4. Ang Japan ay _______________ United states sa pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiya.
5. Ang bagong kurikulum ay _______________ lalo pang pagpapataas ng antas ng karunungan.
thank you! malaking tulong ito sa akin. Ngayon magkakaroon na ako ng 90 final grade sa Filipino
ReplyDeleteThank you! This is very helpful.
ReplyDeletemarami akong natutunan. may irereport na ako!!!
ReplyDeleteAAno ang ibig sabihin ng Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o Gawain,Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskuros,pagbabagong-lahad, pagtititak, paghahalimbawa, paglalahat, pagbibigay-pokus,Ano ang ibig sabihin ng Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o Gawain,Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskuros,pagbabagong-lahad, pagtititak, paghahalimbawa, paglalahat, pagbibigay-pokus,no ang ibig sabihin ng Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o Gawain,Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskuros,pagbabagong-lahad, pagtititak, paghahalimbawa, paglalahat, pagbibigay-pokus,
ReplyDeleteYo. Salamat dito! Malaking tulong ito oara sa aking takdang-aralin :v
ReplyDeleteThank you po:):-):-D
ReplyDeleteMaraming maraming salamat po! 😁
ReplyDeleteWhat is the answer po ng una (inagamit bilang hudyat sa diskurso)
ReplyDelete